Sa ipinalabas na pahayag ng Sandiganbayan Employees Association (SEA), inamin ng mga lumagdang empleyado na sa ngayon ay nahaharap sa isang malaki at masakit na dagok ang Sandiganbayan dahil sa nangyayaring awayan sa pagitan nina Garchitorena at Badoy pero lubos anya ang kanilang suporta sa krusada ni Garchitorena para sa pakikipaglaban at pagsisiwalat ng mga katotohanan.
Nagdesisyon ang samahan na magpalabas ng kanilang pahayag dahil na rin sa umanoy batuhan ng putik ng magkabilang panig na kumakaladkad sa institusyon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)