Sa memoranum ni Davide sa dalawa, pinatitikom nito ang mga bibig nina Garchitorena at Badoy dahil mas lalo lamang lumalala ang alitan ng dalawang mahistrado kung patuloy na papatulan ang binibitiwang salita ng bawat isa na inihahatid ng media.
Paghaharapin sina Garchitorena at Badoy sa darating na Nobyembre 18 ganap na alas-12 ng tanghali sa loob mismo ng chamber ni Davide.
Naniniwala si Davide na dapat pag-usapan nina Garchitorena at Badoy ang kanilang problema ng personal at hindi na ito kailangang kaladkarin sa publiko. Umaasa umano ang punong mahistrado na maayos ng dalawa ang namuong away sa pagitan nila.
Pansamantala rin pahihintuin ang dalawa sa pagsasagawa ng press conference at pagpapa-interview sa media kaugnay ng kanilang awayan.
Sina Badoy at Garchitorena ay nagkaroon ng iringan makaraang sabihin ng huli na mas makabubuting magbitiw na lamang ito sa kanyang tungkulin bilang chairman ng Third Division ng Sandiganbayan dahil sa kahinaan umano ni Badoy na hawakan ang plunder case ni dating Pangulong Estrada.
Mariin itong itinanggi ni Garchitorena at ibinunyag nito ang mga reklamo ni Sandiganbayan Associate Justice Teresita Castro at Ricardo Ilarde na palaging huli sa kanyang mga hearing si Badoy at pala-absent. (Ulat ni Grace Amargo)