Sa 13-pahinang desisyon na ipinalabas ng Special First Division ng SC, ibinasura nito ang motion for reconsideration na isinampa ni Sanchez noong January 25, 1999.
Ikinatuwiran ng SC na hindi napatunayan ni Sanchez na naging bias si Pasig City Regional Trial Court Branch 70 Judge Harriet Demetriou sa pagpapalabas nito ng hatol na habambuhay na pagkabilanggo laban sa nasabing mga akusado.
Magugunita na ipinagharap ng kasong rape with homicide si Sanchez kasama ang mga akusadong sina George Medialdea, Zoilo Ama, Baldwin Brion, Luis Corcolon, Rogelio Corcolon at Pepito Kawit sa pagdukot at pagpatay sa magkasintahang Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993 sa Calauan, Laguna.
Binigyang diin ng SC na hindi pinagkaitan ng kanyang karapatan sa pantay na pagdinig sa kaso si Sanchez dahil sa naging pantay naman ang mga kagawad ng media sa pagpapalabas ng mga balita hinggil dito. (Ulat ni Grace Amargo)