Gayunman, bago pa man maisilbi ang warrant of arrest ay agad naglagak ng P120,000 piyansa si Mrs. Marcos para sa kanyang pansamantalang paglaya. Nagtakda si Justice Nario ng tig-P30,000 piyansa para sa apat na bilang ng graft.
Kung matatandaan, unang nadiskubre ang umanoy ill-gotten wealth ng pamilya Marcos noong 1991 na nagkakahalaga lamang ng $356 milyon kung saan ang dating unang ginang ang namuno sa pagtatayo ng foundation.
Isinulong ng Ombudsman ang kaso sa Sandigan matapos makita ang partisipasyon ni Mrs. Marcos sa pagtatag at pangangasiwa ng Aguamina Foundation na kilala rin bilang Rosaly Foundation.
Ang naturang foundation din umano ang ginamit ni dating Pangulong Marcos at Mrs. Marcos para maitago ang malaking halaga ng salapi sa pamamagitan ng pagbubukas at pagmamantina ng accounts sa ibat ibang banko sa labas ng Pilipinas. (Ulat ni Malou Rongalerios)