Mga abogado ni Erap hiling i-contempt

Hinamon naman kahapon ng partylist solon na tuluyan nang kasuhan ng kasong contempt ang mga abogado ni Estrada dahil sa umano’y sinasadyang paraan na ibitin ang pagdinig ng kaso ng kanilang kliyente.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Crispin Beltran, delaying tactics umano ang ginagawa ng mga defense lawyers na sina Attys. Rene Saguisag, Jose Flaminiano, Cleofe Verzola, Pacifico Agabin, Delia Hermoso at Felix Carao.

Katawa-tawa aniya ang dahilan ng mga abogado ni Estrada na okupado sila sa ibang kaso gayong alam naman nila ang naturang schedule ng kaso noon pa man.

Show comments