Ayon kay National Security Adviser Roilo Golez, sinabi sa kanya ng mga awtoridad sa US na handa itong maghain ng kaso sa US court bagaman kasalukuyan pang pinag-aaralan ang planong ito.
Dahil dito, sinabi ni Golez na kapag naisampa na ang kaso ay maoobliga ang Pilipinas na ibigay ang mga arestadong Abu Sayyaf members para sa paglilitis sa kaso.
Kabilang sa mga prominenteng Sayyaf members na hawak ngayon ng pamahalaan ay sina Nadznie Sabdullah alyas Kumander Global at Hector Janjalani na kapatid ng lider ng bandidong grupo.
Sa ngayon ay tatlong American nationals ang bihag ng Abu Sayyaf at itoy sina Guillermo Sobero at ang mag-asawang misyonaryo na sina Martin at Gracia Burnham.
Nilinaw ni Golez na obligado ang Pilipinas na ipatapon sa US ang makakasuhang Abu Sayyaf members dahil sa extradition treaty ng dalawang bansa.(Ulat ni Ely Saludar)