Siazon lumusot sa CA

Walang naging sagabal sa kumpirmasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Domingo Siazon sa Commission on Appointments bilang bagong Ambassador to Japan matapos katigan ang kumpirmasyon nito ng mga administration senators. Ito ay sa kabila ng ugong-ugong na pahihirapan si Siazon sa CA. Wala anya silang batid na masisilip para harangin ang kumpirmasyon ni Siazon kahit naging bahagi ito ng Estrada administration. Si Siazon ang unang isinalang sa CA sa pagbubukas ng 12th Congress. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments