Hindi dadalo sa hearing si Lacson, pero inaasahan ang pagsipot ni Mary Ong alyas Rose Bud kasama ang mga umanoy Chinese na nagmula sa Hong Kong at China na naging biktima ng kidnappings.
Ayon kay Senator Robert Barbers, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, siniguro ng kampo ni Corpus na makapaghaharap na sila ng mga ebidensiya para suportahan ang kanilang alegasyon na money laundering, kidnap-for-ransom, smuggling, summary executions at iba pa laban kay Lacson.
Sinabi ni Barbers na hanggang mayroong maihaharap na karagdagang ebidensiya ang kampo ni Corpus at mahalaga sa pagdinig ng komite ay itutuloy nito ang inquiry upang hindi sila mapulaan na nais nilang ihinto ito para pagtakpan ang kapwa nila mambabatas na tinutukoy sa imbestigasyon. (Ulat ni Rudy Andal)