Sa pagsusuri na ginawa ng mga oposisyon solon sa panukalang P781 bilyong budget ni Pangulong Arroyo sa susunod na taon ay ipinapakita na kasama dito ang P3.4 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na Countrywide Development Fund (CDF).
Bukod sa PDFA, mayroong P7.3 bilyong lump sum sa P44.3 bilyong budget ng Department of Public Work and Highways (DPWH) na umano ay isa ng tradisyon na dito kinukuha ng mga mambabatas ang kanilang mga pork barrel para sa kanilang mga ibat-ibang infrastructures projects.
Dagdag rin dito na may P2 bilyong piso na gugulin para sa mga pagpapagawa ng mga school building na isa ring umanong pinagkukunan ng pondo ng mga mambabatas.
Bukod pa sa mga nasabing mga pondo mayroon ding nakalaan na P18.8 bilyon ang Department of of Agriculture (DAR) para sa mga proyekto nitong farm to market roads, post harvest facilities, small irrigation canals at iba pang mga agricultural infrastructure. (Ulat ni Jess Diaz)