Ayon kay Lacson, pasasamahan niya si Corpus sa kanyang legal counsel sa pagpunta nito sa sinasabing mga banko at i-withdraw ang mga "natuklasan" nitong bank deposits sa ilalim ng kanyang pangalan.
"Pero hindi ko sasagutin ang kanyang pamasahe kanya-kanya sila ng aking abugado, pero kung wala siyang makukuha bahala siya sa buhay niya, dapat ay magbitiw na siya sa pagiging ISAFP chief o kaya ay magpunta na siya sa impiyerno," wika ni Lacson.
Bilang reaksiyon, sinabi ni Corpus na hindi siya kakagat sa "bitag" ni Lacson.
Ayon kay Corpus, maging ang bankong nasasangkot ay magtatakip kay Lacson dahil hindi ito aaming kasangkot sa money laundering.
Sakaling mayroong makuhang bank deposit si Corpus sa ilalim ng account ng senador sa mga banko sa ibang bansa ay dapat idiretso ito sa national treasury.
Samantala, nakahanda rin si Senator Loi Estrada na pagkalooban ng special power of attorney si Corpus para ito na rin ang kumuha ng sinasabi nitong $180 milyon account sa HK.
Idinagdag pa ni Sen. Loi na inihahanda na rin ng mga abugado ni dating Pangulong Estrada ang pagsasampa ng libel case laban kay Corpus dahil sa mga fabricated accusations nito sa pagkakaroon ng bank account ng kanyang mister sa ibang bansa. (Ulat ni Rudy Andal)