Ayon kay Sen.Legarda, opisyal din ng anti-crime group na Citizens Drugwatch foundation, sa 23 sentensiyado ay 10 dito ang hinatulan sa kasong aggravated rape,7 sa kasong robbery with homicide at 6 naman sa kasong murder.
Kabilang sa mga ito ang apat na kalalakihan na nangholdap sa isang pampasaherong bus at napatay ang isang pulis sa Quezon City habang isang drug addict naman na nanloob at pumatay ng kanyang 75 anyos na lola ang nahatulan din ng kamatayan.
Sinabi pa ni Legarda, umabot na sa 942 ang kabuuang bilang ng mga rapist ang nasa death row habang 422 naman ang may kasong murder; 173 naman sa kidnapping; 172 naman sa robbery with homicide at 60 naman sa drug trafficking.
Wika pa ng senadora, muling binuhay ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na ibasura ang parusang kamatayan matapos na ihayag ni Pangulong Arroyo nitong nakalipas na buwan. (Ulat ni Rudy Andal)