Sinabi ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas sa radio station dzMM, sinabi nito na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ay magpapalabas ng isang mandated wage increase matapos ang maingat na pag-aaral sa magiging epekto ng nasabing pagtaas sa sahod sa paggawa at ekonomiya. Sisiguruhin umano nila na ang mabubuong wage hike ay magiging katanggap-tanggap sa labor at management.
Ang mga manggagawa sa National Capital Region ay humihiling ng minimum increase na P77 per day, habang ang counterpart nito sa Luzon, Visayas at Mindanao ay humihingi naman ng mula P50-P75. (Ulat ni Nestor Etolle)