Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, sakaling totoo ang ulat ay labag ito sa inisyal na kasunduan ng MILF at gobyerno na naunang nilagdaan sa Tripoli agreement kung saan napagkasunduan din ang tigil-putukan. Napaulat na tinatayang tatlong kampo ng MILF ang itinatag umano sa central Mindanao para palakasin ang kanilang bargaining position sa isinusulong na peace talks.
Muling maghaharap ang gobyerno at MILF sa susunod na linggo sa Malaysia para maisulong at balangkasin ang pormal na kasunduan ng magkabilang panig at wakasan ang labanan sa Mindanao. (Ulat ni Ely Saludar)