Ayon sa Pangulo, malabong tumanggap ng salapi ang kanyang asawa dahil wala naman itong ipinakiusap o ginawang pagla-lobby.
Ito ay matapos na akusahan ni Presidential friend Bing Rodrigo na kumita umano ang First Gentleman matapos mag-lobby para bawiin ng Pangulo ang pag-veto sa inaprubahang franchise application ng isang kumpanya ni Jaime Dichavez na naging kontrobersiyal at umako sa Jose Velarde account sa impeachment trial.
Inamin ng Pangulo na nagbitiw si Rodrigo sa kanyang puwesto bilang correspondence secretary sa Malacañang pero sa personal na rason.
Si Rodrigo ay kababata at classmate mula elementary hanggang high school ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)