Sa isang press statement, sinabi ni Miguel Genovea, director-general ng MAO, na ang pagtatrabaho ng overtime ay bahagi ng media relations works sa Kamara.
Nilinaw niya na salungat sa mga naiulat, ang overtime pay ay para sa tatlong buwan at hindi lamang para sa isang buwan. Kahit walang sesyon, hindi nagsasara ang Kamara kung hindi nagre-recess lamang at patuloy ding nagre-report sa kani-kanilang trabaho ang mga empleyado ng Kamara. Bukas ang tanggapan ng MAO sa weekends at holidays para serbisyuhan ang higit 80 regular reporters sa House.
"Ang trabaho ng mga empleyado ng MAO ay hindi limitado sa Kamara lamang. Kailangan din nilang magpunta sa mga special assignments, tulad sa labas ng Metro Manila at mag-attend ng mga meeting sa labas ng kanilang regular working hours," paglilinaw ni Genovea.