1 pang Abu leader tiklo

Isa pang mataas na lider ng bandidong grupo na may patong na P5 milyon sa ulo ang nasakote ng pinagsanib mga operatiba ng 2nd Marine Brigade at 23rd Company ng PNP Special Action Force (SAF) kamakalawa ng umaga sa Bgy. Fuerte, Maluso town, Basilan.

Kinilala ang naturang lider na si Nimrod Abubakar. Si Abubakar ay ika-12 sa pinakamataas na lider ng Sayyaf sa Basilan at ika-12 rin sa watchlist o Order of Battle (OB) ng PNP. Sangkot ito sa Sipadan at Sumisip hostages.

Si Abubakar ang ikalawang mataas na lider ng Abu Sayyaf na nasakote kasunod ng nadakip na si Kumander Global. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments