Ito ay matapos ikanta ng nahuling lider ng Abu Sayyaf na si Nadzmie Sabdullah alyas Kumander Global, chief of staff ng mga bandido, ang isang Hadji Asis Mocsin, isang hinihinalang taga-suporta ng Abu Sayyaf na siyang nagtatago ng armas ng kanilang grupo.
Sa bisa ng search warrant ay nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng 25th Infantry Batallion ng 601st Brigade sa ilalim ni Maj. Glorioso Miranda at Malita PNP sa bahay ni Mocsin na nasa Sitio Balas, Bgy. Mana, Malita sa nasabing lalawigan.
Kabilang sa mga nasamsam na armas sa bahay ni Mocsin ay isang kalibre .30 machine gun, crew-served weapon at daan-daang piraso ng bala para sa ibat ibang uri ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)