Hamon ni GMA kay Berroya; Jueteng sa CL sugpuin

Bilang panimulang hamon sa kanyang bagong posisyon, inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo ang bagong PNP Central Luzon Regional Commander na si Senior Supt. Reynaldo Berroya na gawing crime-free ang kanyang home-province na Pampanga at sugpuin ang laganap na jueteng sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, ang Central Luzon ay itinuturing na major command dahil napakalawak ng sakop nito. Kabilang dito ang urban centers gaya ng Angeles City, Clark Development Zone, at ang Pampanga na balwarte ng Pangulo.

Nakakahiya naman umano kung sa mismong bayan pa ng Presidente ay mataas ang antas ng kriminalidad.

Maituturing namang malaking trabaho ang gagampanang ito ni Berroya pero magsisilbi itong hamon sa kanyang bagong pamunuan. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments