Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, tinanggap na ni Yorac ang posisyon at magsisimula na ito ng tungkulin sa Hulyo 17.
Bukod kay Yorac, hinirang din ng Pangulo ang dalawang PCGG commissioners na sina Ruben Carranza at Gloria Avena.
Nagpahayag ang tatlong opisyal na tatapusin nila sa loob ng dalawang taon ang paglutas sa problema sa sinasabing kulimbat na yaman ng pamilya Marcos.
Tumanggi naman ang Malakanyang na magpahayag ng posisyon nito sa isasampang panukalang batas ni Sen. Sergio Osmeña na humihiling na buwagin na ang PCGG.
Ayon kay Osmeña, kung mayroong ibang nalalabing responsibilidad ang PCGG hinggil sa nakaw na yaman ng mga Marcos ay ilipat na lamang ang tungkuling ito sa Department of Justice. (Ulat ni Lilia Tolentino)