Sinabi ni Cayetano, chairman ng Judicial Bar Council (JBC) na mahalagang maisakatuparan ang modernisasyon ng judicial system sa bansa upang magkaroon ng malaking kabawasan sa kasong nasa korte.
Matagal na anyang isinulong ang pag-utang ng bansa sa World Bank para matustusan ang malaking pangangailangan ng judicial system ng bansa upang tiyak na maibigay ang tamang hustisya sa mga biktima.
Ang mga balakin sa inutang na pera ay para sa pagpapatayo ng mga bagong gusali, improvement of judicial process, court and case management at information system.
Sa nakalap na rekord ni Cayetano, sa taong 2000 pa lamang ang kasong isinampa sa ibat-ibang korte sa bansa ay nakapending ang 824,821 kaso. (Ulat ni Rudy Andal)