Ito ay matapos gumawa ang Unilever Company ng bagong laundry soap na may tatak na "Gloria Lavandera."
Ikinatuwa ng Pangulo ang nasabing produkto, gayunman ay tinanggihan niya ang alok na siya ang mag-endorso nito at ayaw rin nitong ipagbili at gawing komersiyo ang naturang sabon.
Mas nais ng Pangulo na ipamigay na lamang sa mga mahihirap ang sabon bilang relief goods. Kayat inaasahang sa pagtungo nito sa mga lugar na apektado ng kalamidad ay may kasama itong Gloria Lavandera soap.
Ang sabon na calamansi flavor ay hindi umano basta natutunaw dahil kasing-tibay ito ng Pangulo.
Nagtataglay rin ang sabon ng larawan ng Pangulo at Presidential seal, kung saan nakasaad din ang mga magagandang katangian ng Pangulo.
Magugunita na kasagsagan ng Edsa 3 ng umalingawngaw ang pangutyang kantang Gloria, Gloria labandera ng mga pro-Erap supporter.
Sa halip na mapikon ay ipinagmalaki pa ng Pangulo na siyay apo ng isang dating labandera.
Samantala, napanatili ni Pangulong Arroyo ang kanyang 57% approval rating base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Mula Mayo 7 hanggang Hunyo 26, 2001 ang net aprroval rating ng Pangulo sa Mindanao ay tumaas ng +36 mula sa +3, at +48 mula +18 sa National Capital Region. (Ulat nina Ely Saludar at Lilia Tolentino)