Ayon kay Pimentel, kahit umiiral na ang nasabing batas ay laganap pa rin ang heinous crimes tulad ng kidnap for ransom, rape/slay at iba pang krimen.
Sa pagbubukas ng ika-12 Kongreso ay umaasa si Pimentel na muling pag-uusapan ang pagbasura sa death penalty sa senate bill 827 na kanyang panukala lalo ngayong nahalal ang mga bagong mambabatas na pinaniniwalaang may bukas na pag-iisip.
Maging si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay inaasahan nitong susuporta sa pagbasura ng death penalty law bagkus ay patawan na lamang ng habambuhay na pagkakulong ang mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Rudy Andal)