Sa paliwanag ni Biazon, may-akda ng Senate bill 782 o divorce bill, hindi naman ito nangangahulugan na magiging daan ito para mawasak ang isang pamilya, kundi binibigyan lamang ng estado na makahanap ng bagong partner ang wala nang pag-asang mag-asawa na magsama pang muli sa iisang bubong. Winika ng senador na kung matatag ang mga turo ng simbahan na kinaaaniban ng mag-asawa ay hindi magiging hadlang ang pagkakaroon ng divorce law sa ating bansa para maghiwalay ng landas ang isang mag-asawa.
Inamin ni Biazon na mahihirapan ang kanyang panukala na makapasa at inaasahan niyang aani ito ng pagbatikos partikular mula sa pamunuan ng simbahang Katoliko sa bansa, subalit ito ang nakikita niyang paraan para mabigyan ng gobyerno ng solusyon ang isang mag-asawa na wala ng daan pa upang muling magsama sa iisang bubong na makapaghanap ng kanilang magiging katuwang sa buhay na muli nilang puwedeng pakasalan. (Ulat ni Rudy Andal)