Sinabi ni Roco na ginawa niyang pilot area ng programa nilang "checkless payroll system" ang kanyang lalawigan at nakatakdang makuha na ng mga guro ang kanilang mga sahod sa ATM machines sa Land Bank of the Philippines.
Ayon pa kay Roco na malaking kabawasan sa trabaho ng DECS Central Office kung saan dito ipino-proseso ang mga sahod ng higit sa kalahating milyong guro sa buong bansa na dumaranas ng pagkaantala ng kanilang sahod.
Tinatayang may 8,661 mga kawani ng DECS sa Camarines Sur na may payroll amount na P 1.3 bilyon kada taon o P103 milyon kada buwan. (Ulat ni Danilo Garcia)