Sinabi ni Colin Hunt, General Manager ng ID System ng Photokina Consortium, kung mababalewala ang Voters Registration and Identification System (VRIS) ay mapipilitang bawiin nila ang nasabing halaga.
Ang Photokina Consortium ay mayroong dalawang Amerikano at isang French investors sa nasabing proyekto ng komisyon.
Si Hunt at ang dalawang investors ay hindi na bago sa pakikipag-negosasyon sa bansa dahil sila rin ang namuhunan sa proyekto ng ID system ng SSS, BIR at LTO at kung sakaling ibasura ang proyekto ay maaari nilang kasuhan ang Comelec.
Ayon kay George Balagtas, spokesperson ng Photokina na ilegal umano ang hakbang na ginawa ni Chairman Alfredo Benipayo sa pagpapadala nito ng liham kay Budget Secretary Emelia Boncodin na mayroon na silang budget proposal ukol sa modernization project na hindi dumaan sa commission enbanc. (Ulat ni Jhay Mejias)