Iginiit ni Leonard de Vera, spokesperson ng Equal Justice for all Movement (E-Just) na hindi dapat ang doktor ng gobyerno ang tumingin sa kondisyon ng dalawa. Mas makabubuti anya kung independent doctors ang susuri para makatiyak ang administrasyon sa kalagayan ng mga ito.
Sa ganitong paraan ay malalaman na umano ng publiko ang dahilan kung dapat pa ngang manatili ang mag-amang Estrada sa Veterans hospital o dapat na silang ibalik sa kanilang piitan sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.
Sinabi ng E-Just na maaari umanong nape-pressure lamang ng Malakanyang ang mga doktor ng Veterans na siyang dahilan ng pananatili ng mga ito sa nasabing ospital.
Ayon kay Cayetano, tahasang paglabag sa Saligang Batas ang pagpasa ng isang class legislation na ang makikinabang ay mga kriminal.
Ang pahayag ni Cayetano ay matapos umugong sa Kamara na isusulong ng mga crony at mga kongresistang kaalyado ng dating pangulo ang nasabing panukala.
Ayon kay IBP President Arthur Lim, bilang dating pangulo ng bansa ay marapat lamang na pagbigyan si Estrada dahil hindi pa ito convicted sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya.
Ayon kay Lim, kung nais anyang ipairal ng Korte ang pantay na trato sa mga nagiging akusado ay dapat na sa Quezon City Jail ito ikinulong dahil ito ang pinakamalapit na piitan sa Sandiganbayan. (Ulat nina Grace Amargo/Doris Franche)