Ang panukala ay naipasa sa botong 131-14 na may tatlong abstentions. Ang pagpasa sa naturang bill ay bunga ng marathon session na nagsimula noong Huwebes ng hapon at natapos ng alas-5 ng umaga kahapon.
Inaasahang raratipikahan ng Senado ang conference committee report sa power bill sa pagpapatuloy ng regular session ng Kongreso sa susunod na linggo.
Samantala, nagbanta naman ang mga oposisyong senador na haharangin ang ratipikasyon ng power bill dahil na rin sa technicalities at maling procedures nito.
Tinukoy ni Senate asst. majority leader Sen. Vicente Sotto ang kawalan ng minute sa bicam, kawalan ng stenographers at secretaries para irekord ang mga pinag-usapan sa miting. (Ulat nina Malou Rongalerios at Doris Franche)