Ayon kay Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, nakikipagnegosasyon na ang Philippine Overseas Labor Officers (POLOs) sa gobyerno ng Brunei para sa pagpapauwi ng mga manggagawang Pinoy na pawang nagtatrabaho sa isang garment factory matapos pumayag ang employer sa isang kasunduan.
Inirereklamo ng mga Pinoy dito ang paglabag sa pinirmahang kontrata kasama na ang underpayment ng kanilang sahod, sobrang taas ng deduction sa kanilang placement at broker fees at diskriminasyon.(Ulat ni Jhay Mejias)