Erap isasailalim sa chest x-ray

Muling isasailalim sa chest x-ray ngayong araw na ito si dating Pangulong Estrada matapos ang ginawang Electro Cardiographical (ECG) examination dito ng mga manggagamot sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Ito ang inihayag ni VMMC Director Dr. Salvador Flores, bukod sa posibleng ulitin umano ang ginawang executive check-up sa dating pangulo habang nasa pagamutan ito.

Ayon kay Dr.Flores nasa hustong kalusugan naman si dating pangulong Estrada makaraan ang ginawang blood chemistry, ECG at medical check-up.

Para makasiguro, ay posibleng ulitin muli ang ginawang ultrasound nito sa kanyang kidney,pancreas at gall bladder. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments