Ayon sa isang kamag-anak ni Tessie, sobra umano ang katapatan nito kay Estrada dahil kundi sa dating pangulo ay di siya maluluklok sa Senado kaya ganoon na lamang ang suporta niya dito. Isa si Oreta sa 11 senador na tumutol sa pagbubukas ng ikalawang envelope sa ginanap na impeachment trial sa Senado.
Matinding pagbatikos ang inani nito ng makita sa isang telebisyon ang ginawa niyang pagsasayaw ng manalo ang No-vote. Sa ngayon ay nahahati sa dalawang kampo ang magkakapatid na Aquino kung saan campaign director ng People Power Coalition si Paul Aquino at field director ng PPC ang kapatid nitong si Lupita Kashiwara.
Nasa panig naman ng oposisyon si Makati Rep. Butz Aquino na siyang nag-eendorso sa mga kandidato ni dating pangulong Estrada. Sa kabila nito, sinabi ng source na bagaman magkalaban ang kampo nina Paul at Butz Aquino ay walang personalang nagaganap sa dalawa. (Ulat ni Malou Rongalerios)