Spratlys dinadayo pa rin ng China

Patuloy umano ang kapangahasan ng China sa pinag-aagawang teritoryo matapos mairekord na ang naturang bansa ang may pinakamaraming pagpasok sa Spratly Group of Islands sa South China Sea na may layong 130 nautical miles mula sa Palawan.

Iniulat kahapon ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines na 10 Chinese Hainan type na malalaking bangkang pangisda ang namataang nakadaong at nagsasagawa ng iligal na aktibidad sa naturang lugar mula pa noong Abril 6. Pito sa naturang mga bangka ang namataan sa Pagasa Island, isa sa Lawak Island at Ayungin Shoal.

Ang Pagasa island na kinaroroonan ng instalasyon ng mga sundalo ng AFP ang pinakamalaki sa mga isla na inaangkin ng Pilipinas. Bukod sa China, namataan ang apat na sasakyang-pandagat ng Vietnam sa Parola (North East Cay), Lawak at Rizal (Commodore) Reef mula Marso 31 hanggang Abril 13 ng taong ito. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments