Sinabi ni Belmonte na ang pagsisikip ng mga preso sa mga selda at ang pangit na kundisyon ng mga pasilidad ng mga bilangguan ang ilang dahilan kaya laging nagkakagulo ang mga bilanggo.
Inihalimbawa ni Belmonte ang Quezon City Jail na meron na ngayong 2,000 preso bagaman hanggang 700 tao lang ang kasyang makulong dito. Kamakailan lang ay nagkaroon dito ng riot ng magkakalabang mga grupo ng mga preso. Depektibo rin anya ang drainage rito at wala pang bentilasyon. Ganito rin ang sitwasyon sa ibang mga bilangguan sa buong bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)