NDF leaders bisita ni GMA sa Palasyo

Naging bisita ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang ang mga lider ng National Democratic Front na sina Luis Jalandoni at Connie Ledesma nang maghandog siya ng isang hapunan kamakalawa ng gabi para sa mga panel ng pamahalaan at ng NDF na magsasagawa ng usapang pangkapayapaan.

Umaasa ang Pangulo na magtatagumpay ang negosasyon na isasagawa sa Oslo, Norway sa Abril 27.

Pinasalamatan naman siya ni Jalandoni dahil sa pagpapanumbalik ng usapang pangkapayapaan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments