Comelec executive sinibak sa puwesto

Tinanggal kahapon ni Commission on Elections Chairman Alfredo Benipayo sa puwesto ang hepe ng education and information division ng Comelec na si Atty. Angelina Matibag.

Inilipat si Matibag sa law department ng komisyon. Pumalit sa kanya sa EID si Velma Cinco.

Sinabi ni Benipayo na ginawa niya ang hakbang dahil hindi siya nasisiyahan sa trabaho ni Matibag na laging huli sa paghahanda ng mga impormasyong may kaugnayan sa halalan. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments