Ito ang kinumpirma kahapon ni PAOCTF Chief Director Hermogenes Ebdane bagaman sinabi niya na wala pa siyang natatanggap na executive order mula sa Pangulo.
Inaasahang pormal na ihahayag ngayon ng Pangulo ang kanyang desisyon. Sinabihan na niya si Ebdane hinggil dito noong Sabado.
Sinabi ni Ebdane na ang 100 tauhan ng PAOCTF na maaapektuhan ng desisyon ay ipapailalim sa isang special task force unit ng directorate for personnel ng Philippine National Police.
Direkta nang magre-report si Ebdane kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza sa halip na sa Pangulo.
Sinabi pa ni Ebdane na pinag-aaralan din ng pamahalaang Arroyo ang pagbuo ng isang bagong anti-crime task force unit para maiwasang matularan ang trabaho ng PNP.
Samantala, hiniling kahapon ni reelectionist Senator Juan Flavier sa pamahalaan na isalang sa masinsinang imbentaryo ang lahat ng kagamitan ng PAOCTF. (Ulat ni Jhay Mejias)