"Magbuklod-buklod tayong lahat sa natatanging panahong ito para higit nating maibandila ang ating pagkakaisa at banal na layuning maisulong ang kapakanan at kagalingan ng buong sambayanan," sabi pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa paggunita ng bansa sa Semana Santa.
Idiniin ng Pangulo na ang pagpapatawad ang isang tampok na diwa ng Mahal na Araw pero nilinaw niya na katumbas din dito ang pagtanggap natin sa ating mga pagkakamali at taos-pusong pagsisisi para maging karapat-dapat sa pagpapakasakit ng Dakilang Maykapal.
Nabatid na sa Baguio City magpapalipas ng Semana Santa ang Pangulo at ang kanyang pamilya. Inaasahang sa lunsod na ito magninilay ang Pangulo at makikinig siya sa isang misa sa Ifugao sa Linggo ng Pagkabuhay. (Ulat ni Lilia Tolentino)