Sinabi ng Pangulo na ang dalawang araw na palugit ay magkakaloob sa mga taxpayer ng sapat na panahon para makapagsumite ng ITR sa Bureau of Internal Revenue.
Nauna nang nagbigay ang BIR ng palugit na hanggang Abril 16 dahil pumatak ang Abril 15 sa Pasko ng Pagkabuhay. (Ulat ni Lilia Tolentino)