RP, pasok sa away ng Malaysia at Indonesia

Isinampa na ng pamahalaan sa International Court of Justice ang petisyon na humihiling na payagang manghimasok ang Pilipinas sa pag-aagawan ng Malaysia at Indonesia sa mga isla ng Sipadan at Ligitan na kapwa nasa Borneo.

Ito ang nabatid kahapon ng Department of Foreign Affairs na nagsabi pa na kailangan ang naturang hakbang dahil baka makaapekto sa pag-aangkin ng Pilipinas sa Sabah na nasa Borneo rin ang magiging desisyon ng ICJ sa away ng Malaysia at Indonesia. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments