Ngumiti si Arroyo at binati sa lokal na wika si Manero at saglit lang na nakipagkamay dito sa isang pulong balitaan sa lunsod na ito.
Pero agad na inutos ng Pangulo na ibalik na sa kulungan si Manero para pagsilbihan nito ang naturang sentensya. Dinala naman ang pugante sa Davao Penal Colony.
Sa kaugnay na ulat, pinabulaanan ni Presidential Assistant for Mindanao Jesus Dureza ang akusasyon ng oposisyong Partido ng Masang Pilipino na gagamitin ng administrasyon sa pulitika si Manero.
Sinabi ni Dureza na mas nakatulong ang pagsuko ni Manero sa takbo ng peace and order situation sa Mindanao.
Nauna rito, sinabi ni PnM senatorial candidate Ricardo Puno na pangungunahan umano ni Manero ang Dagdag-Bawas operation sa Davao na binabalak ng administrasyon sa halalan.
Hindi binanggit ni Puno kung paano iyon gagawin ni Manero pero sinabi niya na takot sa naturang preso ang mamamayan ng Davao. (Ulat ni Rose Tamayo)