Ayon kay Presidential Spokesman at Chief of Staff Renato Corona pinaghahandaan ng pamahalaan ang pagsuporta sa nominasyon ni FVR sa darating na Oktubre.
Ang tanging makakahadlang sa nominasyon ni FVR ay ang posibilidad na hilingin ni Anan na bigyan pa siya ng panibagong termino na muling mamuno.
Sinabi ni Corona na kuwalipikado si FVR na maging UN Secretary General at may posibilidad na mamuno dahil ang nasabing puwesto na iiwan ni Anan ay nakaukol ngayon sa alinmang bansa sa Asya.
Ang Pilipinas ay nagkaroon ng karangalang makapamuno sa pamamagitan ng yumaong dating Foreign Secretary Carlos P. Romulo na naluklok ng dalawang termino bilang Secretary General ng UN. (Ulat ni Lilia Tolentino)