Special session tiniyak ni Speaker Belmonte

Tiniyak kahapon ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte Jr. na tuloy ang special session ng Kongreso na malamang idaos sa huling linggo ng Mayo para pagtibayin ang mahahalagang panukalang-batas tulad ng susog sa ARMM Law, Omnibus Power Bill at supplemental budget para sa umento ng mga empleyado ng pamahalaan.

Sinabi ni Belmonte na magkakaroon ng quorum dahil tapos na ang eleksyon at tapos nang mangampanya ang mga mambabatas. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

Show comments