Loi di puwera sa Comelec

Nilinaw kahapon ni Commission on Elections Chairman Alfredo Benipayo na hindi madidiskuwalipika ang kandidatong senador na si dating Unang Ginang Dra. Luisa "Loi" Ejercito-Estrada bagaman kapwa akusado ito at ni dating Pangulong Joseph Estrada sa mga kaso nitong plunder na isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan kamakalawa.

Sinabi ni Benipayo na nasampahan pa lang ng kaso si Gng. Estrada at hindi pa ito nahahatulan ng Sandiganbayan kaya walang basihan para tanggalan ito ng karapatang kumandidato sa halalan. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments