Parangal sa lady pilot inaprub ni GMA
Inihayag kahapon ni Air Force Chief Lt. Gen. Benjamin Defensor na inaprubahan ni Pangulong Gloria Arroyo ang kanyang rekomendasyon na bigyan ng posthumous promotion ang nasawing piloto ng OV-10 Bronco attack plane na si 1Lt. Mary Grace Baloyo dahil sa kabayanihang ipinamalas nito nang, sa halip na, mag-eject, nanatili ito sa cockpit at minaniobra ang eroplano para hindi ito tumama sa residential area sa Mabalacat, Pampanga nang bumagsak ang sasakyan kamakailan. (Ulat ni Butch Quejada)