Kinilala sa ulat ng Coast Guard at Philippine Navy ang rescuer na si Nemesio Burgos ng AFP Housing Village, San Mateo, Rizal. Kasalukuyan pang inaalam ang pangalan ng namatay na sibilyan.
Ipinalalagay na nauntog ang ulo ni ni Burgos sa isang matigas na bagay sa ferry boat habang sinasagip niya ang ilan sa mga biktima. Nakuha ang kanyang bangkay habang lulutang-lutang ito sa karagatan.
May lulan umanong 40 pasahero ang ferry boat na M/BCA Seagold habang naglalayag sa karagatan nang lumulubog ito sa naturang lugar bandang alas-8:00 ng umaga. Kagagaling lang ng ferry boat sa Maestro de Ocampo Island patungong Looc, Tablas Island nang maganap ang sakuna.
May 21 pasahero maliban sa ilang tripulante ang iniulat na nawawala at patuloy na pinaghahanap habang isinusulat ito. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)