Black Samurai sisilipin

Sinabi kahapon ni Commission on Elections Chairman Alfredo Benipayo na ipaiimbestiga niya sa National Bureau of Investigation ang isang sindikato sa Comelec na tinatawag na Black Samurai na nagnanakaw sa komisyon ng mga official ballot at election returns.

Ang naturang mga dokumento ay ibinebenta umano ng sindikato sa mga kandidato na magsasagawa naman ng mga pekeng balota. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments