Ito ang inihayag kahapon ni dating Speaker Manuel Villar pero binanggit niya na, sa nabanggit na bilang, 4,872 guro lang ang kayang tanggapin at pasuwelduhin ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng pondo. Bunga nito, kukulangin pa ng 45,080 guro ang mga paaralang pampubliko.
Dapat bigyang prayoridad sa pambansang budget ang sektor ng edukasyon at bigyan ng naaayong tax exemption ang sahod ng mga guro, ayon pa kay Villar na kandidatong senador ng administrasyon. (Ulat ni Andi Garcia)