Hipon may virus

Nagpatulong kahapon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Department of Foreign Affairs para makaugnayan nila ang pamahalaan ng Australia dahil sa report nito na dumating na rin umano sa Pilipinas ang White Spot Syndrome Virus (WSSV) na kumakapit at pumapatay sa mga hipon.

Idiniin ni BFAR Director Boy Sarmiento na walang WSSV sa bansa bukod sa hindi naman ito umaangkat ng hipon kaya dapat lang linisin ng Australia sa report nito ang pangalan ng Pilipinas.

Wala pang komentaryo ang DFA hanggang sa isinusulat ito. (Ulat nina Angie dela Cruz at Rose Tamayo)

Show comments