Sinabi ng Pangulo na hinirang niya si Alvarez pagkaraan ng malawakang konsultasyon sa mga non-government organization na naunang napaulat na tutol sa kongresista bilang pinuno ng DENR.
Sinabi pa ng Pangulo na nakahanda sana siyang mabakante ang DENR hanggang Hunyo pero, dahil sa paghupa ng mga reklamo laban kay Alvarez, agad niya itong hinirang. (Ulat ni Ely Saludar)