Human smuggling ring nabuwag

Ibinunyag kahapon ni Bureau of Immigration Commissioner Andrea Domingo ang pagkakabuwag sa isang human trafficking syndicate na

Ginawa ni Domingo ang pahayag kasunod ng pagkakadakip ng BI sa mga Koreanong gumagamit sa Maynila sa pagpupuslit ng mga dayuhan. sina Ahn Seok Joon, Park Jae Ho, Choi Gun at Kim Kyun Hee sa magkakahiwalay na operasyon sa lungga ng mga ito sa Pasig at Makati.

Sinabi ni Domingo na ang mga Koreano ang nagbigay ng Korean passport sa maraming Chinese national na nagtangkang pumuslit palabas ng bansa at naharang ng mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport sa nagdaang mga buwan.

Sinabi pa ni Domingo na ang pagbuwag sa Koreanong forgery syndicate ang unang yugto pa lang ng kampanya laban sa mga sindikatong nagpupuslit ng mga dayuhan sa bansa.

Magpapatulong rin ang BI sa militar, pulisya at National Bureau of Investigation para matiyak na madadakip ang mga lider at miyembro ng naturang mga sindikato.

Sa kaugnay na ulat, nadakip ng mga BI officer sa NAIA ang apat na Sri Lankan na nagtangkang umalis patungong Australia noong Martes pero gumagamit ng mga pekeng Australian passport.

Sinabi ni Domingo na binili ng mga Sri Lankan ang pekeng Australian passport sa isang sindikato sa Maynila. (Ulat ni Rey Arquiza)

Show comments