Magkakabisa ang ceasefire mula Marso 17 hanggang Abril 11 para mabigyang-daan ang pagpapalaya kay Major Noel Buan na bihag ng NPA, ayon sa punong negosyador ng NDF na si Luis Jalandoni mula sa isang pahayag mula sa kanyang base sa The Netherlands.
Naunang ipinahinto ng pamahalaan ang opensiba ng militar laban sa NPA sa katimugang Tagalog para sa negosasyon sa pagpapalaya kay Buan.
Kaugnay ng isinusulong na usapang pakikipagkapaya- paan sa NDF, sinabi kahapon ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr. na iniuurong na ng pamahalaang Pilipino ang kahilingan nito sa Dutch government na patalsikin sa The Netherlands si CPP founding chairman Jose Maria Sison at pabalikin ito sa Pilipinas. (Ulat ni Rose Tamayo)